foodforthesoul – SHABU ADDICT – Pamaskong drama #2 Sinulat ni bernie lopez, eastwind eastwind@motherignaciahealingministry.com ENGLISH SUMMARY AT THE END. – ITO AY ISANG TUNAY NA ISTORYA NI SISTER RAQUEL REODICA, RVM (www.sisterraquel.com) NG MOTHER IGNACIA HEALING MINISTRY NA ISINULAT SA ESTILONG DRAMA. (DIALOGUES ARE RECONSTRUCTED IN DRAMA FORMAT.) ANG MGA PANGALAN AY HINDI TUNAY MALIBAN KAY SR. RAQUEL. – Si JOANNA ay 50 taong gulang, nanay, maganda ang bihis, mayaman. Si JENNIFER ay 20 taong gulang, anak ni Joanna, panganay. Si RENE ay 18 taong gulang, anak ni Joanna, pangitna. Si MONICA ay 14 taong gulang, anak ni Joanna, bunso. Si SISTER RAQUEL, madre ng RVM, 60 taong gulang, isang tanyag na healer ng cancer para sa Panginoon, hinahanap ng marami. – – EKSENA 1 – UMAGA. SA LOOB NG MAGARANG SPORTS VAN, ISANG PAMILYA, PATUNGO KAY SISTER RAQUEL NG MOTHER IGNACIA HEALING CENTER SA NOVALICHES. MA TRAPIK SA LABAS. RUSH HOUR. MAKIKITA ANG MGA CHRISTMAS DÉCOR SA LABAS. MARIRINIG ANG CHRISTMAS CAROLS. SINA JOANNA AT ANG TATLONG ANAK NA SINA JENNIFER, MONICA AT RENE AY NASA LOOB NG VAN. MAY DRIVER SILA. NAKAUPO SA HARAP SI RENE. – JOANNA Ano, Rene, handa ka na bang makipag-usap kay Sister Raquel? – RENE (Nakasimangot) Ma, kelangan pa ba yon? – JOANNA Kelangang kelangan, Rene. After what you did last night, kelangang kelangan. That was the last straw. – JENNIFER (Galit na galit). Bayaran mo yung jewelry kong ninakaw mo, kundi papupulis kita. – RENE Jewelry lang yon. D importante. Ano ba naman yong ginto at diamante. Walang kakwentakwenta. – SA GALIT, SINUNGGABAN NI JENNIFER SI RENENG NAKAUPO SA HARAP. SINABUNUTAN. HINDI PUMALAG SI RENE, PINABAYAANG HILAIN ANG BUHOK. PINIPIGILAN NI MONICA PERO HINDI NIYA KAYA. BINITAWAN NI JENNIFER ANG BUHOK NI RENE, SABAY HAGULGOL. – JENNIFER (Habang umiiyak) Sa lahat ng shabu addict, ikaw ang pers klas. Hoy, hindi ko susuportahan ang bisyo mo. Pakamatay ka na lang kaya. (Pasigaw) Wala akong kapatid! – JOANNA Hoy, hoy tigil na yan. Ayusin mo nga ang make up mo Jennifer. Malapit na tayo. – NAG-POWDER NG MUKHA SI JENNIFER NANG MAWALA ANG BAKAS NG LUHA, NGUNIT TULOY PA RIN ANG HAGULGOL. – RENE Bakit ba kalaban ko kayong tatlo lagi? Wala akong kakampi. Nag-iisa ako kahit nasa bahay. Parang hindi ako kasama sa pamilya. – JENNIFER Talagang hindi. Lumayas ka na. Iwan mo na kami. Hindi ka namin kailangan. – MONICA Tama, kuya. Iwan mo na kami para manahimik kami. Hindi na namin kaya. Ganoon ba talaga ang addict. Walang pakiramdam? Walang puso? Walang isip? – RENE Isa ka pa. Sige, pagtulungan niyo ko. – JOANNA Tama na. Tama na. Naririto na tayo. – PUMASOK ANG VAN SA COMPOUND NG HEALING CENTER. – – EKSENA 2. – UMAGA. HARDIN NG MOTHER IGNACIA HEALING CENTER SA NOVALICHES. BUMABABA NG VAN ANG BUONG PAMILYANG. PALAPIT SI SISTER RAQUEL NA SUMALUBONG SA KANILA. – JOANNA Merry Christmas, Sister Raquel. Salamat at binigyan mo kami ng konting oras mo. – SISTER RAQUEL Merry chirstmas din sa inyo. Kanina pa nga kita hinihintay, Joanna. – JOANNA Eto po ang tatlong anak ko, si Jennifer (nagmano kay Sister), si Monica (nagmano kay Sister), at si Rene (hindi nagmano). Si Jennifer at Monica po nag-aaral sa La Salle. Si Rene naman po ay Atenista. – SISTER RAQUEL Kayo ba’y mga honor student naman? – JOANNA Si Monica at Jennifer, sister, mga honor student yan. Si Rene po dati, first honor at top of the class, pero mula nang mapabarkada, wala na. – NAPAHIYA SI RENE. TUMALIKOD. TUMINGIN SA MALAYO. NAGNGINGITNGIT SA GALIT. LUMAPIT SI SISTER SA KANYA. HINIGPITAN NI RENE ANG SINTURON DAHIL NAHUHULOG NA ANG KANYANG PANTALON. – SISTER RAQUEL (Nakatingin kay Rene, kamay sa balikat niya) Oops. Sorry ha. Mali ata ang tanong ko. Alam mo, sa totoo, hindi naman ganoon ka importante ang honors. Utak lang yon. Mas importante ang puso. Hindi ako naniniwalang wala kang puso. Wala ka bang puso, Rene? – RENE Meron po, sister. – SISTER RAQUEL Pala naman. Halika kayo, dito tayo sa loob ng kubo mag-usap. – JOANNA (Kay Rene) Doon ka muna kaya (sabay turo sa isa pang kubo). – RENE Bakit, hindi ba ako kasama sa pamilya? – JENNIFER Hindi sa ganoon. Doon ka muna sabi ni mommy. Mamaya ka na. – MONICA Oo nga naman, kuya. Pagbigyan mo muna kami. – RENE (Galit) Sige, pagtutulungan niyo ako, uli. Sister, uuwi na ako. – SISTER RAQUEL Teka. Teka. Ako ang kakampi mo rito kung kalaban mo lahat. Sige, Rene. Wag kang mag-alala. Makapag-uusap tayo nang masinsinan. Pero sa ngayon, baka naman mas mabuting ipaliwanag ng mommy mo ang problema at ibigay ang panig niya bago tayo naman ang mag-usap sa panig mo. Sa tingin mo okay yon? – RENE (Matagal bago sumagot, sabay hila sa sinturon) Okay naman po, sister. – SISTER RAQUEL O siya, doon ka muna sa kabilang kubo. O baka gusto mo maupo sa loob ng adoration chapel. Tatawagin kita mayamaya. Ilabas mo ang puso mo kay Hesus. Kausapin mo Siya. – RENE Doon na po ako sa chapel, sister. Basta tatawagin niyo po ako. – SISTER RAQUEL Oo naman. – LUMAYO SI RENE AT ANG LAHAT AY PUMASOK SA ISANG KUBONG MAY UPUANG PALIGID AT MESA SA GITNA. – JOANNA Pasyensya ka na sister. Kailangan lang mapaliwanag namin ang problem ni Rene. – SISTER RAQUEL Okay lang. Sige, umpisahan natin. – JOANNA Si Rene po ay matagal nang shabu addict. Tatlong taon na. Nahihirapan na kaming makibagay sa kanya. Naisip naming baka ma-heal mo siya, sister. E kung kaya niyong magpagaling ng terminal cancer, simple lang siguro yan. – SISTER RAQUEL Hindi ako ang healer, Joanna. Si Hesus ang healer. Ginagamit niya lang ako bilang isang tulay. Hindi ako ang nagdidisisyon kung sino ang gagaling. Siya. At kailangan kayo ay may pananampalataya. Hindi ako duktor. Siya ang Duktor. – JOANNA Opo sister. Naiintindihan namin. – MONICA Minsan po hindi yan natutulog ng dalawa’t kalahating araw kapag high sa shabu. Tapos ang gulo gulo. Hindi kami makatulog. At hindi kumakain buong araw. – JENNIFER Tapos, pag nag-crash siya, pag nawala ang bisa ng shabu, matutulog yan ng dalawang araw, walang hinto. Tapos, paggising, iinom ng isang litrong tubig at saka palang kakain. Kaya, tingnan niyo, ang payat payat. Yung pantalon niya ang luwag luwag sa baywang at ang higpit higpit ang sinturon para hindi bumagsak. Tapos, tingnan niyo, sister, mukha na siyang 30 years old, e eighteen lang po yan. – SISTER RAQUEL Ay, ganoon ba ang epekto ng drogang yan? – MONICA Noong umpisa, pag high siya, masayang masaya, madaldal, magulo, paikot-ikot. Pero pagkaran ng ilang buwan, iba na. Masungit. Madaling magalit sa walang dahilan. Sumisigaw. – JOANNA Hindi lang yon, sister. Last week, nawala ang telebisyon naming. Kala namin pinasok kami ng magnanakaw nung lumabas kaming lahat. Yun pala binenta ng ungas at pinambili ng shabu. Nawawala yan ng isang linggo. Hindi naming alam kung saan. Babalik na lang kung wala nang kwarta. Darating na lang nang payat na payat. Parang nagdiet ng matindi. At parang biglang tumanda. Hay naku sister. Nahihirapan na kami (hindi na mapigil at nag-umpisang umiyak). Hindi naming alam kung anong gagawin. – NILAGAY NI SISTER ANG KAMAY SA BALIKAT NI JOANNA. – SISTER RAQUEL Hindi makukuha yan sa galit o sermon. May pagkukulang ang kanyang kalooban, kaya siya nagdrodroga. Kailangan malumanay kayong makipag-usap sa kanya. Bigyan niyo siya ng espasyo. At kailangan malaman natin ang dahilan kung bakit siya nagdrodroga. – JENNIEFER Barkada. – SISTER RAQUEL Hindi lang yon. May mas malalim pa. JOANNA Hay naku sister. Kung alam mo lang gaanong pasyensya namin. Tapos eto na ang pinakagrabe. Kaya kami nagdisisyon pumunta sa inyo sister, a week ago, humingi yan ng kwarta. Siyempre hindi ko binigyan. Ipambibili lang niya yan ng shabu. Nagmakaawa. Umiyak. Lumuhod at nagdrama. Hindi ko pinansin. Alam niyo ba ang ginawa, sister? Kumuha ng kutsilyo at papatayin raw ako kung hindi ko siya bigyan ng kwarta. Hay, por Diyos por Santo. Napilitan akong bigyan siya. Kumaripas ng alis at nawala hanggang kahapon. Pagdating, umiiyak. Lalo namang sinermonan ng dalawang ito, dahil ako, ayaw ko na siyang harapin. Gustong papulis ni Jennifer sa takot. Pinigilan ko lang. – JENNIFER Yun, pala, tangay rin ang jewelry ko, sister, kahit binigyan na siya ng kwarta. Mabuti nga ho sister, pumayag yang sumama rito. – MONICA E pano. Sabi namin, kung di siya sasama, kaming lahat ang lalayas. Tutuloy kami ng Baguio nang isang buwan. Nagmakaawa ang ungas. Hindi niya raw po kayang mag-isa. – SISTER RAQUEL Okay, okay, naiintindihan ko na ang problema. May idagdag pa ba kayo. – TAHIMIK LAHAT. – JOANNA Wala na po siguro, sister, sa ngayon. – SISTER RAQUEL Okay, dito muna kayo. Ako’y pupunta sa chapel. Wala namang tao doon. Mag wa wan on wan kami ni Rene. – JOANNA Hay salamat sister. Bahala na kayo ha. Warning lang sister. Mahirap kausapin yan. Makulit. Kung minsan hindi sumasagot. – PUMUNTA SI SISTER KAY RENE NA NAKAUPO. TUMABI SI SISTER SA KANYA. – SISTER RAQUEL Tayo naman ang magkuwentuhan, Rene. – RENE Opo. – SISTER RAQUEL Pwede bang umipasahan ko? – RENE Opo sister. – SISTER RAQUEL Kanina pa, kabababa pa lang ninyo ng sasakyan, alam ko na ang problema. Naramramdaman ko na ang problema. Sabihin mo sa akin kung tama. Napilitan kang mag-shabu dahil inis ka sa pamilya mo. – RENE Tama po. Hindi nila ako pinapansin. Hindi nila ako kinakausap. Wala akong nararamdamang pagmamahal. (Lumuluha na si Rene.) Parang wala akong pamilya. – SISTER RAQUEL Wala ka nang dapat sabihin pa. Alam ko na ang istorya. Tena na, tapos na tayong mag-usap. Balik na tayo sa kubo. – RENE Tapos na po tayo? Ang bilis naman. – SISTER RAQUEL O sige. Meron ka pa bang sasabihin? (Matagal nag-isip si Rene.) Nasabi mo nang lahat, di ba? – RENE Opo sister, maliban sa … hirap na hirap na po ako, sister. (sabay hagulgol). – SISTER RAQUEL O siya. Upo tayo uli. – NAUPO ANG DALAWA. NILAGAY NI SISTER ANG KAMAY SA BALIKAT NI RENE. – SISTER RAQUEL Magdasal tayo, ha. Naryan si Hesus, nakatingin sa iyo. Alam niya ang problema mo. Lulutasin Niya yan kung hihilingin mo. Naiintindihan mo ba? Hilingin mo lamang. – RENE Opo sister. – SISTER RAQUEL Sundan mo ang dasal ko. Panginoong Hesus (sunod si Rene sa salita, habang umiiyak), tulungan mo po si Rene na mabitawan na ang droga. (Humagulgol si Rene) Tulungan mo po ang kanyang ina at mga kapatid na bigyan siya nang pagmamahal. Sa ngalan ni Mama Mary, St. Joseph, Mother Ignacia, tulungan Mo po Hesus ang pamilya ni Rene. – MATAGAL ANG KAMAY NI SISTER SA BALIKAT NI RENE. UNTING UNTI NAHINTO ANG IYAK NI RENE. KUMALMA. NAGDASAL SILA NANG TAHIMIK. TUMAYO SI SISTER. – SISTER RAQUEL Ganito ang gawin natin, Rene. Mauna ako sa iyo. Bigyan mo ako nang sandaling kausapin ko sila. Sesenyasan kitang sumunod. Okay ba yon? – RENE Kayo po, sister. – SISTER RAQUEL Kapag kakampi mo si Hesus, kahit kalaban mo ang buong mundo, okay ka. Huwag kang maingay ha. Sesermonan ko ang nanay at mga kapatid mo (sabay tawa, tawa rin si Rene). – BUMALIK SI SISTER SA KUBO KUNG SAAN NAGHIHINTAY ANG TATLONG BABAE. – JOANNA O ano sister. Nakita naming umiiyak siya habang pray over kayo sa kanya. Tumalab din ata ang healing niyo. – SISTER RAQUEL Huwag kayong magagalit ha. Kayo atang tatlo ang kailangan ng healing. – JOANNA (Gulat) Ha. Sister, anong ibig niyong sabihin? – SISTER RAQUEL Mahirap bang maintindihan na kayo ang dahilan kaya nag-shabu si Rene? Naramdaman niya na hindi niyo siya mahal. Masakit yon. Nag-shabu siya upang mapamanhid niya ang sugat na, sa kanya, ay napakalalim. Napakahapdi. Naisip niyo ba ang pakiramdam ng isang walang pamilya? Nag-iisa sa mundo? Rejected? – JOANNA Pero, sister … – SISTER RAQUEL Tapos, nang nag-shabu na siya, lalo niyo pang binalikan siya, pinalalim lalo ang sugat. Naging vicious circle na. Galit kayo sa pag-shabu niya, at ang tingin niya lalo niyo siyang hindi mahal. (Tahimik ang tatlo. Nakayuko. Umiyak si Monica. Sumunod si Jennifer at Joanna.) Isipin niyong mabuti ang nakaraan. Bago siya ng-shabu. May nagawa ba kayong … – JOANNA (Humahagulgol). Kasalanan ko po, sister. Lahat ng atensyon na sa mga babae. E kasi babae sila. – JENNIFER (Lumuluha). Kahit ang lalaki nangangailangan din ng pagmamahal, sister, di ba? Hindi namin naisip yon. Kasalanan rin namin dahil ang mundo namin sa aming tatlo lang. Hindi namin siya naisip. – TUMAYO SI MONICA. TUMAKBO PAPUNTA KAY RENE. – MONICA (Pasigaw) Kuya, kuya … (niyakap niya si Rene) Patawad, kuya. Patawad. – TAKBO NA RIN SI JENNIFER AT JOANNA AT ANG APAT AY NAGYAKAPAN NANG AKALA MO AY HINDI NAGKITA NG ILANG TAON. PARANG NIAGARA FALLS ANG MGA LUHA. LUMAPIT SI SISTER. TUMINGIN SILANG LAHAT KAY SISTER. – SISTER RAQUEL Pagmamahal ang gamot sa sugat ng pabaya. Tandaan ninyo yan, ha. – SAGOT NG OPO, OPO ANG TATLONG BABAE. – RENE (Nagmano kay sister) Salamat po sister at ibinalik ninyo ang buhay ko. Ito na ang pinakamaligayang pasko. Salamat sa Christmas gift niyo, sister. Akala ko patay na ako talaga. Papasok ako sa rehab, kahit isang taon, pangako si inyo at sa mama. Aalisin ko itong lason sa aking mga ugat. Pagdasal mo ako sister, kasi, napakahirap noon. – SISTER RAQUEL Ano ba yung rehab? – RENE Rehabilitation center po. Doon dinadala ang mga addict upang mabitawan ang addiction. Parang preso po doon. Di latigo ang mga rehab counselors. Ang tingin nila sa iyo kriminal, basura, kaya malupit sila. Inaabot ng taon bago bumisa ang rehab, sister. – SISTER RAQUEL E paano kang gagaling kung latigo ang kaharap mo? Isa lamang ang lutas sa addict, Rene, pagmamahal. – RENE Yun nga po. Kung minsan, meron ding mabait, parang kapatid, parang nanay. Pero bihira. Karamihan sa kanila, trabaho lang yon. Wala ang puso nila doon. Sa totoo, galit sila dahil napakahirap ng trabahong makipag-ugnayan sa mga addict. Mga weirdo kami. Me sayad. Lumulutang sa hangin. Yung mga hardliners kamukha ko, ganoon talaga kami. – MONICA Pero, kaya mo yan, kuya, di ba? – RENE Sa tingin niyo, sister? – SISTER RAQUEL Walang imposible kung hiniling mo sa Panginoon. – RENE Tatlong kaibigan ko, nag rehab. Yung una, si Ruben, pagkaraan ng isang taon, gumaling na siya. Lumabas na. Success model siya para sa ibang gustong umalis sa shabu. Bumalik sa trabaho sa ad agency. Ayos na ang lahat. Normal na siya. Six months pagkalabas niya, may shooting ng TV commercial sa Baguio. Naisipang purbahan uli. Baguio. Malamig. Masarap mag-high. Hindi niya alam over dose na pala siya. – SISTER RAQUEL Bakit, hindi ba niya alam ang limit niya? – RENE Ganito yon, sister. Pag nag-shabu ka, sa umpisa saksakan ng sarap. Tanggal ang depression mo. Masaya ka. Kaya nakaka-addict. Pag na feel kong pinagtutulungan ako sa bahay, shabu ang panlutas. Tanggal lahat ng sugat ng loob mo. Tatawa ka dahil walang kang pakialam, wala nang depression. So, tuwing may depression, shabu. – SISTER RAQUEL Pshychological addiction. – JENNIFER At, vicious circle na ang kasunod, di ba Rene? Shabu causes depression pag nag crash ka na. So take ka uli para mawala ang depression. Nag research ako diyan sa Internet. Alam ko. – RENE At alam mo, ate … – MONICA Uy, ngayon mo lang tinawag siya nang ate. – RENE (Hindi pinansin ang sinabi ni Monica) … may tolerance ka na pagkaraan ng mga six months. – SISTER RAQUEL Ano yung tolerance? – JENNIFER Ganito yon, sister. Nag-research din ako diyan. – RENE Ako ang magpapaliwanag, ate. – MONICA Uy, may ate na siya bigla. – RENE Tahimik, little sister. Ganito yon, sister. Kung sa umpisa, high ka na nang dalawang araw sa isang gramong shabu, kung mag-take ka araw araw, pagkaraan ng isang buwan, kailangan mo nang doble, dalawang gramo, para sa high ng isang araw, mas maiksing panahon. Dahil may ‘tolerance’ na ang katawan mo. Mas kumukonti ang epekto dahil nasasanay na ang katawan mo. Pagkaraan ng isang taon, kelangan mo nang limang gramo para sa high ng kalahating araw. Hanggang, hindi mo alam, overdose ka na pala. Si Ruben, pagkaraan ng higit sa isang taong walang shabu, nawala na ang kanyang tolerance, pero hindi niya alam yon. Ang huli niyang take siguro mga limang gramo. Overdose na yon kung wala kang tolerance. Dapat nag-umpisa siya sa one gram uli. Pero, sister, walang dapat dapat sa droga. – SISTER RAQUEL So, anong nangyari kay Ruben? – RENE Ayon, nagwala sa Baguio. Sinigawan niya yung cliente, yung presidente ng kumpanyang biggest client ng ad agency niya. Tanggal sa trabaho, siyempre. Eventually, nasiraan ng bait at nagpakamatay. Imbis na singhutin yong rubgy, hinalo sa tubig, ininom, kumisay, patay. Dalawa ang kaibigan kong nagpakamatay after rehab. Tatlo and in and out. Isa lang ang alam kong talagang gumaling, si Jackie, ex-girl pren ko. Pero, hindi ako sure. Five years na siyang okay. Pero, sister, walang garantiyang hindi babalik ang ex-addict sa dating gawi. Kaya sister, takot ako sa rehab. Pagdasal niyo po ako, sister, na kayanin ko ito nang walang rehab. – SISTER RAQUEL Kaya mo yan. Di ba sabi ko, paghiniling mo, bibigay Niya. Love conquers hate. Your love for each other will destroy all the deep anger inside you. Magdasal tayong lahat. – NAGHAWAKAN NG KAMAY ANG PAMILYA AT SI SISTER. NAGDASAL. PALAYO ANG KAMERA. UNTI UNTING NAWAWALA ANG MGA BOSES NILA HABANG NAGDARASAL AT MARIRINIG ANG MGA AWIT PASKO. UMATRAS ANG KAMERA PATAAS. MAKIKITA ANG BUONG HEALING CENTER AT PARANG MGA LANGGAM ANG LIMANG NAGDARASAL. – – EKSENA 3. – ISANG LINGGO NA ANG DUMAAN. HAPON. NASA CHAPEL SI SISTER MAG-ISA, NAGDADASAL. NAG-RING ANG CELLPHONE NIYA. – SISTER RAQUEL Hello. – RENE Hello, sister. Si Rene ito. – SISTER RAQUEL Oy, Rene, kumusta na. Ano na ang nangyari sa iyo. – RENE May himalang nangyari sa akin, sister, salamat sa iyo. – SISTER RAQUEL Sa akin o kay Hesus? – RENE Sa inyong dalawa. – SISTER RAQUEL Uy. Magaling ka na. Bilis naman. Kumusta ang rehab mo? Kala ko ba mga isang taon ang rehab. – RENE Yon na nga po ang gusto kong ibalita sa inyo, sister. Hindi ko kailangan ng rehab. Nawala na lang bigla ang addiction ko. Basta, nawala. Ayaw ko na. Cold turkey. Hindi ako nagkaroon nang pagnanasang bumalik sa shabu buhat nung nag pray kami kasama ka. Ewan ko bakit, sister. Instant talaga ang paggaling ko. – SISTER RAQUEL Yan ang grasya ni Lord. Hindi kaya bigla kang bumalik gaya ni Ruben? – RENE No way, sister. Matatag na ito. Dahil ang rehab doctor ay kaka-iba, the best Doctor in town. – SISTER RAQUEL At sinabi ko sa iyo … – RENE Opo, sister, alam ko, walang imposible sa Panginoon. Gusto ko ring ibalita na buong buo na ngayon ang pamilya. Hindi na kami nag-aaway. Si Jennifer nagtratrabaho sa bangko. Si Monica first year college na. Sa La Salle pa rin. Ako naman, sister, graduating na sa Ateneo at babalik ako sa number one, pangako ko sa Mommy. – SISTER RAQUEL Aba, tingnan mo nga naman. Akala ko cum papasa ka lang, yon pala cum laude na (sabay tawa). Gamitin mo ang galing mo para sa iba, hindi para sa sarili, ha. Kaya ka pinagaling ni Hesus, kailangan ka Niyang. May kailangan kang gawin para sa Kanya. Pagsilbihan mo Siya. – RENE Salamat sister. Ikaw ang dahilan, gumaling ako kaagad. – SISTER RAQUEL Oops. Mali, mali na naman. Hindi ako, sabi e. Si Hesus ang nag-pagaling sa iyo. Ako, Quezon bridge lang. Siya ang rehab Counselor mo, di ba? Siya ang Doktor mo. Siya ang bosing, at walang imposible sa Kanya. – RENE Opo sister. – – ENGLISH SUMMARY – Rene, an Ateneo honor student, somehow became a hard-line shabu addict. He had reached a point where he would steal appliances in the house to sell for shabu money. Like Jessie, he would scream at his mother Joanne when he had no money for drugs, and would hit his younger sisters Monica and Jennifer. It reached a point where Rene was capable of destroying the entire family. In despair, a few days before Christmas, Joanne went to Sister Raquel, the healer, together with her three children, in the hope that one who could heal stage 4 cancer could also heal stage 4 shabu addiction. It was the last resort. Joanne told Rene to stay away while Joanne, Monica and Jennifer explained the ‘problem’ to Sister Raquel. They were half way through their story when Sister Raquel suddenly interrupted them. She could discern the ‘problem’. She said she perhaps knew why Rene turned to drugs. The three women froze, stunned by Sister’s fortune-teller style move. Sister asked, could it be perhaps Rene turned to drugs because he never felt love from his family? Sister was actually guessing, but she hit a tender chord. The three women looked at each other, blushed, and bowed their heads without saying a word. Joanne started to cry. Instantly, they knew the ‘problem’. The problem was them, not Rene. They forced him to turn to drugs by alienating him. The family became a ‘women’s circle’. And they knew it as plain as daylight. Sister Raquel called Rene over and her mother embraced him right away, followed by the two sisters. No words were spoken. Tears speak better than words. As easy as the problem was discerned, it was solved. Mother and daughters began pouring their love on Rene. It was the best Christmas gift he ever had. After a week, Rene called Sister Raquel and told her he has never taken shabu since they visited her. He was instantly healed of drug addiction, not so much by Sister but by his family. Like Jessie, it was instant cold-turkey stuff. Strangely again, the spiritual gift of Love conquers hate, hate for one’s family, hate for one’s self. – – HEALING OIL HISTORY http://www.sisterraquel.com/2010/07/announcement7-disaster-messages-and-healing-oil-history/ – INQUIRIES – eastwind@motherignaciahealingministry.com –
FOR MORE INSPIRATIONAL MATERIALS, SCAN THE MINISTRY ARCHIVES QUICKLY BY CLICKING THE LINK BELOW – |
GET INSPIRATIONAL MATERIALS REGULARLY AS THEY ARE POSTED BY SUBSCRIBING TO www.sisterraquel.com |