prayer29 – CHRISTMAS THOUGHTS


CHRISTMAS THOUGHTS
the best christmas gift you can give
to your family or to friends is your time, yourself
a gift wrapped in ribbons is fine
but a gift of yourself is even better
you must never forget
that the essence of christmas
is more spiritual than material
christmas is giving and forgiving
your happiness is in giving happiness
happiness from material gifts are for now
happiness from spiritual gifts are for forever
share yourself and be happy
www.sisterraquel.com
eastwind@motherignaciahealingministry
************************
ANNOUNCEMENT
finally, you can now view and
download dramatic photos
of the mysterious oil and ‘cloud’
that appeared at the healing center
http://www.sisterraquel.com/2009/12/poster37-40-my…healing-centerposter37-40-mysterious-oil-and-cloud-at-healing-center/
request high resolution photos
eastwind@motherignaciahealing.ministry
************************
BACKGROUND for first time viewers
oil mysteriously appeared
on the floor of the adoration chapel
of the mother ignacia healing center
one day before typhoon ondoy came
the oil healed people with terminal sicknesses
IS THE OIL AN OMEN OF BOTH GOOD THINGS (HEALINGS)
AND OF BAD THINGS (DISASTERS)?
JUDGE FOR YOURSELF AND SEND REACTIONS TO
eastwind@motherignaciahealing.ministry
************************
VIEW STORY IN YOUTUBE AND POWERPOINT
Youtube part 1 – typhoon ondoy’s healing oil
http://www.youtube.com/watch?v=owykGkNCpIg
Youtube part 2 – healing testimonials
http://www.youtube.com/watch?v=dlREzytKuSg
Youtube part 3 – global significance (coming soon)
powerpoint
http://www.sisterraquel.com/2009/10/powerpoint15-t…a-wake-up-callpowerpoint15-typhoon-ondoy-a-wake-up-call/
*************************************************************
SANTA KULAS
Isang kwentong pang-Pasko
A ten-minute stage skit
English summary at the end.
*************
EKSENA 1
ALAS OTSO NANG GABI. PLAZA FERGUSON SA ERMITA. PASKO. MARAMING CHRISTMAS DÉCOR SA PALIGID. ANG MGA PUNO MAY CHRISTMAS LIGHTS. SI MANG KULAS AY 55 NA TAONG GULANG. HINDI NAMAN GULAGULANIT ANG DAMIT NGUNIT SIMPLE LANG. NAKATAYO SA LABAS NG BANGKONG SARADO, MAY MALIIT NA LA MESANG PUNO NG TSOKOLATE. SI JOSIE AY BIHIS NA BIHIS, SEKSING SEKSI ANG DAMIT, ISANG G.R.O. NA PAPASOK SA NIGHT CLUB NIYA. HUMINTO SI JOSIE SA HARAP NI MANG KULAS.
JOSIE
O, ano, Mang Kulas, nasaan na tsokolate ko?
INABOT NI MANG KULAS ANG ISANG BAR NG TSOKOLATE KAY JOSIE.
MANG KULAS
Maaga ka ata ngayon.
JOSIE
Pasko e. Maraming biyaya ngayon. Ano ba talaga ang gusto mong mangyari? Tatlong taon ka nang tumatambay dito sa teritoryo ko, namimigay ng tsokolate tuwing pasko, pero sa batang grasa lang at sa mga seksing GRO na katulad ko.
MANG KULAS
Sila … kayo … ang nangangailangan ng tsokolate at konting ligaya, di ba?
JOSIE
Sabagay. Ano ba talaga ang nakukuha mo riyan?
MANG KULAS
Wala lang. Masaya lang ako pag nakapagpapasaya, di ba? Nawawala ang lungkot pag pasko.
JOSIE
Ewan ko nga ba. Sa akin, may konting sayad ka na yata.
MANG KULAS
Si Josie naman. Ayun, ayun ang may sayad.
TURO NI MANG KULAS ANG ISANG BIHIS NA BINATILYONG MARAMING REGALONG DALA. TAWA ANG DALAWA.
JOSIE
Tingnan mo ha. Dyanitor ka lang dyan, uubusin mo ang sweldo mo (biglang malakas na boses) SA WALA!!
MANG KULAS
Hoy. 13th month pay (pasigaw rin).
JOSIE
O sige na, 13th month pay. Tsokolate para sa mga taong ni hindi mo kilala, di mo ka-ano-ano. Yan ang may sayad.
MANG KULAS
Oy, oy. Di ba kilala kita?
JOSIE
Oo naman. Ako lang.
MANG KULAS
E si Buknoy, Pitong, Andres … si … si … yung mga batang natutulog sa film center … si …
JOSIE
Oo na nga.
MANG KULAS
O etong tsokolate para kay Ester, kay Rose, kay Julie, at kay Remy. Saan na ba sila?
SABAY ABOT NI MANG KULAS NG APAT PANG BARS NG TSOKOLATE KAY JOSIE.
JOSIE
Luneta beat. Akala nila mas okay doon kasi maraming tao. Hirap pumulot doon, panay lovers o bums, chess player. Walang kostumer. Di nila alam dito sa Ferguson, mas okay. Tahimik. Di sila nahihiyang lumapit.
MANG KULAS
Dahil diyan. (Sabay palo sa puwit ni Josie)
JOSIE
Di katalo, Mang Kulas. E kung seksi ako, what can I did? In demand ito, oy.
MANG KULAS
What can I do. Ulol.
JOSIE
Me sayad ka pa rin. E kung bumibili ka na lang ba ng pang noche buena para sa pamilya mo.
MANG KULAS
Wala akong pamilya.
JOSIE
Oops sori. Oo nga pala.
MANG KULAS
Nag-iisa ako.
JOSIE
Gusto mo reto kita. Di ka pa naman above the hill, di ba?
MANG KULAS
Over the hill, ulol.
PINALO RIN NI JOSIE SA PUWIT SI MANG KULAS. BAGO MAKASAGOT SI MANG KULAS, MAY DUMAANG AMERIKANONG TURISTA, MGA 50 ANYOS NGUNIT BIHIS NA BIHIS. HUMINTO SA HARAP NILA.TUMINGIN SA TSOKOLATE.
TURISTA
How much?
JOSIE
Ten dollars. (Napaatras ang kano). Joke lang. One dollar. (Inabot ng turista ang one dollar. Inabot ni Josie ang isang tsokolate at binigay ang pera kay Mang Kulas.) I have something better than chocolate. (Sabay kembot).
TININGNAN SIYA NG TURISTA NANG MATAGAL.
TURISTA
You know a nice restaurant around here?
JOSIE
You like Chinese food?
TURISTA
Sure.
JOSIE
Me too. Okay let’s go. (kay Mang Kulas -) O sya. Trabaho na ko. Dollar na ito, baka makaalpas. Eto ang tatlong daan (sabay abot ng pera kay Mang Kulas). Pasayahin mo ang buong mundo. Medyo maganda kita ko kahapon. Arabo.
MANG KULAS
Di na. Okay lang ako.
JOSIE
Ulol. Tinatanggihan mo ang grasya? Baka sapukin kita. Hindi para sayo yan. Para sa mundo Pasayahin mo silang lahat. Magsawa ka. Bye!!
INIPIT NI JOSIE ANG PERA SA MGA TSOKOLATE SA LA MESA. PINALO ANG TURISTA SA PUWIT, UMAKBAY AT SABAY SILANG UMALIS. DUMATING SI BUKNOY AT PITONG, DALAWANG TEENAGER NA BATANG KALYE, MADUNGIS, NAKA TSINELAS.
BUKNOY
Tsokolate po namin, Mang Santa Kulas.
BINIGYAN NG TIG-ISA ANG DALAWA. SIGAW ANG DALAWA AT NAG-GIVE-ME-FIVE SA ISA’T ISA.
MANG KULAS
Bantayan nyo to sandali.
BUKNOY
E kung itakbo namin?
MANG KULAS
E di puputulan ko kayo.
PITONG
Si Mang Santa Kulas naman. Nagbibiro lang, e.
UMALIS SI MANG KULAS. BUMALIK SIYA MAY DALANG DALAWANG SUPOT. INABOT KAY BUKNOY ANG MAS MALAKING SUPOT. TINABI SA ILALIM NG LA MESA YUNG MAS MALIIT.
MANG KULAS
O yan, hapunan natin. Bigay ni Josie.
PITONG
Bait talaga ni Josie. Di nakakalimot. Pero mas mabait kayo, Santa Klaus ng mahihirap at nang mga seksi. Kelan kaya ako pagbibigyan ni Josie?
BUKNOY
Neber. Pangit mo.
PITONG
Nagsalita ang di pangit.
MANG KULAS
O sya. Lakad na kayo. Walang rugby ha! (sabay salat ng mga bulsa nila).
BUKNOY
Wala po. Pass na kami diyan buhat nang pinabugbog nyo kami sa pulis. Buti nga di kami binilanggo. Wala na yan sa amin.
MANG KULAS
Yung construction diyan sa may Adriatico. Pinuntahan nyo na ba yung hepe?
PITONG
A, si Mang Boy. Opo, opo. Umpisa na kami bukas. Mababa ang sweldo.
MANG KULAS
Kesa wala. Wag na kayong umangal. At pagnagluko kayo roon, puputalan. Naintindihan?
BUKNOY
Oo na. Mang Kulas. Tuloy na po kami.
PITONG
Kawawa naman si Josie pag naputulan ako.
BUKNOY
Ulol. Fantasy ka na naman.
UMALIS ANG DALAWA. BUMUKAS ANG ILAW SA BANGKO. LUMABAS SI PETE, MGA 25 TAON, NAKAKURBATA, LUMAPIT KAY MANG KULAS.
PETE
Pabili po ng tsokolate.
MANG KULAS
Hindi ako nagbebenta.
PETE
Ows naman. Pinamimigay mo? Gaya nang sa mga batang grasang mga yon? (sabay turo kay Buknoy at Pitong na malayo na). Nakita kong may inabot ka. Kanina pa kita pinagmamasdan doon sa bintana ko (sabay turo sa pangalawang baiting ng bangko). Seksi naman ng girl pren mo, pre.
MANG KULAS
Huwag mo akong ma-pre-pre. Baka pre-hin kita. Mukhang ober taym ka ngayon ano? Ako si Mang Kulas.
PETE
Ako si Pete. Oo nga, e. Naalpasan na nga ng hapunan, e. Mawalang galang. Totoo ba? Pinamimigay mo lang yan? Ang martir mo naman. Santa Klaus kunu.
MANG KULAS
Masaya akong nagbibigay kaysa tumatanggap. Para lamang ito sa mga nangangailangan.
PETE
E ako, nangangailangan din.
MANG KULAS
Excuse me, no. Nakakurbata ka, may trabaho ka. Hindi ka nangangailangan.
PETE
Yan ang mali. Hindi lang ang mga batang kalye ang nangangailangan. Ako rin nangangailangan.
MANG KULAS
Oo, pero ang pangangailangan mo hindi malulunas ng tsokolate. O ano, di ba? (Matagal na tahimik. Tiningnan mabuti ni Mang Kulas si Pete.) (Pasigaw) Aha! Malungkot ka, ano?
PETE
Galing mong manghula, mister Santa Klaus. Baka yung girl pren mo may kaibigan. Hanap mo naman ako, o. Paskung pasko, wala akong sweetheart. (Inabot ni Mang Kulas ang isang tsokolate.) O akala ko ba e pang batang grasa lang yan. (Tinanggap ni Pete).
MANG KULAS
Nangangailangan ka, di ba?
PETE
Oo, pero hindi tsokolate.
MANG KULAS
Sa tingin mo tsokolate lang ang binibigay ko?
TUMAWA SI PETE, SABAY NGATA SA TSOKOLATE. BUMALIK BIGLA SA BANGKO. KUMATOK. BINUKSAN NG SECU. PUMASOK. LUMABAS MAY DALANG DALAWANG MONOBLOC. NAUPO ANG DALAWA.
PETE
Alam ko naman yon, e. Hindi talaga tsokolate ang binibigay mo. Magandang loob. Nakakahaw yan, di ba? Parang trankaso. Nakakahawa ang magandang loob. Yon ang pinamimigay mo. Parang virus. Ako nga gusto atang mahawa.
MANG KULAS
Masyado kasing ang pang aginaldo natin ngayon puros na lang yung mamahaling bagay. May regalo rin namang ispiritwal hindi material, di ba?
PETE
E hindi ba mahal din ang tsokolate, at material yan?
MANG KULAS
Kaya nga pinamimigay ko lang sa mga nagkukulang ng … hindi sa bulsa … kundi sa diwa. Gaya mo, di ba? Qualified ka na rin.
PETE
Saan galinlg ang perang pangbili mo nyan.
MANG KULAS
13th month pay.
PETE
Saan ka ba nagtratrabaho.
MANG KULAS
Dyanitor.
MATAGAL NA WALANG NAGSALITA.
PETE
Salamat Mang Kulas at binigyan nyo nang konting ilaw ang pasko ko, gaya nang sa mga batang kalye at dalagang kalye. Naiinggit ako sa iyo. Ang tagabigay ng ilaw laging may ilaw, di ba? At siyempre mas maliwanag … May request sana ako.
MANG KULAS
O ano?
PETE
Bisperas ngayon. Pwede ba kitang imbitahin kumain? Favor yon sa akin, hindi sa iyo. Kelangan ko ng ilaw.
MANG KULAS
Okay, basta yung simple lang. Chicken Joy, okay na yon. Two pieces. Extra rice. Extra gravy. Tara.
KINUHA NI PETE ANG LA MESA AT TSOKOLATE, BINIGAY SA SECU NG BANGKO. SINOLI ANG MGA MONOBLOC SA BANGKO. LAPIT ANG ISANG MADUNGIS NA BATA, TATLONG TAONG GULANG, WALANG PANTALON, MAY MADUNGIS NA T-SHIRT BUTAS BUTAS.
BATA
Sarado na po kayo, Mang Kulas? Tsokolate ko.
PETE
Gusto mo ng chicken joy.
BATA
Ano po yon? Di ko po alam yon.
MANG KULAS
Hindi pa yan nakakapasok sa restawran buong buhay niya. Ikaw ngayon ang Santa Klaus. Ha ha.
PETE
Yung prayd chicken sa restawran.
BATA
Talaga po. Sige po, pero pwede ho bang magbaon para sa nanay ko? Gutom din sya, e.
PETE
Oo ba. (Humawak ang bata sa kamay ni Pete.) Mang Kulas, ang sarap palang maging Santa Klaus. Pag nagkasakit kayo, take over ako sa inyo dito, ha?
MANG KULAS
Isang kondisyon. Tsokolate lang ang ibibigay mo sa mga GRO.
PETE
Si Mang Kulas naman. Anong kala mo sa akin?
MANG KULAS
Manyakis. Ano pa.
TAWA ANG DALAWA. TAWA RIN ANG BATANG HINDI NAKAKAINTINDI. PALAYO ANG TATLO. KINARGA NI PETE ANG BATA.
*************
EKSENA 2
LUMIPAS AND MARAMING TAON … 1989 … 1993, 1995, 2001, 2005, 2008.
PAREHONG ORAS AT LUGAR. SI MANG KULAS, PUTI NA ANG BUHOK, UUGOD UGOD, NAGBIBIGAY PA RIN NG TSOKOLATE SA IBA’T IBANG TAO, MGA BATANG KALYE, MGA G.R.O.S. SI PETE NA KANYANG ASSISTANT SANTA KLAUS AY LAGING NAROROON.
DUMATING SI JOSIE. MAY EDAD NA RIN PERO SEKSI PA RIN. MAY KASAMANG POGING ITALIANO MAS BATA SA KANYA. HINILA NIYA ANG DAMIT NG ITALIANO. NAPILITANG BUMUNOT NG WALLET AT BINIGYAN NG DOLLAR SI MANG KULAS. SINOLI NI MANG KULAS SA ITALIANO. INAGAW NI JOSIE, SINAKSAK SA BULSA NI MANG KULAS, SABAY HILA SA ITALIANO AT NAGPAALAM.
MADALING ARAW NA. SI MANG KULAS AT PETE AY NAROROON PA RIN, NAG-UUSAP. WALA NANG TAO SA PLAZA. MAY DUMAANG PULIS. BUMUNOT SA SAKO SI PETE UPANG BIGYAN NG TSOKOLATE ANG PULIS, NGUNIT IISA NA LANG PALA. NAGTINGINAN ANG DALAWA, SABAY HALAKHAK NANG MALAKAS.
PULIS
Oy, oy. Lasing ba kayo? Magsiuwian na kayo, pwede ba?
LALONG LUMAKAS AND HALAKHAK NG DALAWA.
PULIS
Aba, aba, kinakalaban niyo ba ako?
MANG KULAS
Oy, hindi ka pa pulis, nandito na kami taontaon tuwing pasko. Bakit, bawal ba? Plaza ito, maski sino pweding tumambay.
HALAKHAK ULI ANG DALAWA. BUMUNOT NG BATUTA ANG PULIS.
MANG KULAS
Kilala mo si Lieutenant Joe Cruz?
PULIS
Bos ko yon. Bakit?
MANG KULAS
O eto, bigay mo tsokolate niya. Buti umabot siya. Last na yan. Tuwing taon meron siya. Pag hindi niya ito natanggap, patay kang bata ka.
TINANGGAP NG PULIS ANG TSOKOLATE, SABAY ALIS NANG WALANG IMIK. HALAKHAK ULI ANG DALAWA.
PETE
Napakasaya ng pasko natin, ano. Hay naku, makauwi na nga.
HALAKHAK ULI ANG DALAWA.
*************
EKSENA 3
LOOB NG BANGKO. SI PETE, NAKABARONG, AY NAKAUPO SA DESK NIYA. MAY NAKALAGAY ‘PETE DE LE FUENTE, MANAGER’. TINAWAG ANG SECURITY GUARD NA NASA PINTO.
PETE
Jerry, nasaan na si Mang Kulas.
SECURITY GUARD
Ewan ko po. Hindi na pumupunta rito. Wala siya buong pasko.
PETE
Sabihin mo kay Efren sunduin.
SECURITY GUARD
Opo.
*************
EKSENA 4
DATING LUGAR SA BANGKETA SA HARAP NG BANGKO. GABI. MAY CHRISTMAS LIGHTS. NAKAUPO SI PETE SA MONOBLOC, NAGHIHINTAY. MAY PANGALAWANG MONOBLOC NA WALANG NAKAUPO. NAIINIP SIYA, TINGIN NANG TINGIIN SA RELO. MAY TSOKOLATE SIYA. LAPIT ANG ISANG GRO, INABUTAN NIYA NG TSOKOLATE, AT UMALIS. DUMATING AND KOTSE NI PETE. BABA SI MANG KULAS. TUMAYO NANG MABILIS SI PETE, INAKAY SI MANG KULAS. NAUPO SA MONOBLOC. UMALIS ANG KOTSE.
PETE
Ano bang nangyari sayo. Daming dumadaan dito.
MANG KULAS
Di ko na kaya, Pete. Ikaw na lang ang Santa Klaus.
PETE
Wag mo kong iwan dito. Di ko kaya ito mag-isa.
MANG KULAS
Kaya mo yan. Retired na ko.
PETE
Alam mo, marami kang tinuro sa akin na hindi ko natutunan sa kolehyo.
JOSIE
(Hindi nakikita, boses lang.) Pati ako, marami ring natutunan. Retired na rin ako, pero kaya ko pang maging Santa Klaus. Pero rellyebo lang ako sa iyo, Pete.
SI JOSIE NA MAY EDAD NA RIN, BUKNOY AT PITONG, MGA BINATA NA, PINAIKUTAN SI PETE AT MANG KULAS. TUWANG TUWA SI MANG KULAS. INAKAP LAHAT SILA ISA ISA.
BUKNOY
Ako rin, Santa Klaus no. 3. Palitan tayo. Hindi pwedeng mamatay ang ilaw niyo, Mang Kulas. Kami ang mga disipulo mo.
MARAMING BATANG KALYENG MADUDUNIGS AT BABAENG KALYENG SEKSI BIGLANG SUMULPOT, BIGLANG NAGSISIGAWAN NG ‘SURPRISE!!’. NAGLABAS NG MAHABANG MESA ANG SECU NG BANGKO, DUMATING ANG MARAMING PAGKAIN. MAINGAY SILA LAHAT, TAWANAN. IMPROMPTU CHRISTMAS PARTY SA BANGKETA NG PLAZA FERGUSON. ANG SINUMANG DUMAAN O HUMINTO, INIIMBITA NILANG KUMAIN. DUMATING ANG ISANG POLICE PATROL CAR. BABA ANG PULIS.
PULIS
Oy, oy. Ano, ano ito. Uwi na kayong lahat. Bawal yan. (Lapit si Josie, binulungan ang pulis.) A ganoon ba? O sige. (Sa drayber ng patrol car) – Jessie, parada mo muna. Kain tayo sandali. (Lumapit kay Mang Kulas ) – Aha, ikaw pala si Santa Kulas. Marami na akong naririnig tungkol sa yo. Sa presinto dos at kwatro, tanyag ka. Ano ba talaga ang sekreto mo ha?
MANG KULAS
Simple lang boss. Tsokolate.
WAKAS.
SCHOOL DRAMA GROUPS WELCOME
TO STAGE THIS 15 MINUTE SKIT
write to sinulat ni Bernie Lopez eastwind_777@yahoo.com
OR eastwind@motherignaciahealingministry.com
***********************
Original story.
For the last 20 years, Ramon has been spending the day before Christmas at Plaza Ferguson along M. H. Del Pilar street in Ermita. He buys a sack of chocolate bars from his 13th month pay and gives them out, but only to children and prostitutes, no one else.
Once, Pete, a well-dressed teenager came up to him, asking for a candy. Ramon apologized, saying the candies were only for those who were ‘in need’. Pete said, “That prostitute over there, is she in need of a candy?”
Ramon’s terse reply was, “She is in need of a little joy.” Pete countered, “But I am also in need.” Ramon smiled and decided to make an exception, giving him a candy. Every year, Pete would pass by on Christmas eve for his candy, and have long talks with Ramon, pouring out his heartaches on him, whose wisdom was precious Gold. They became good friends.
Twenty years passed. On Christmas day, Ramon was not at the plaza. Frantic and worried, Pete, who was now a bank manager, got a dilapidated calling card he kept in his wallet all these years, and phoned Ramon. Ramon said he was sad because he was now too old and weak to play un-costumed Santa Klaus. So Pete bought a sack of chocolate bars, picked him up, and got a monobloc chair from the bank.
The two were on the plaza, the aging Ramon seated on the monobloc, while Pete gave out the candies. By midnight, just about time for mass, the sack was empty except for one last bar. They looked at each other, laughed so loud that a policeman came over, asking if they were drunk. They laughed even harder and gave the last bar to the policeman, who nodded in disbelief. This is the first story, the gift of Joy. Strangely, the giver of Joy receives the gift of Joy ten fold.
_______________________________
IMPORTANT MINISTRY MATERIALS
GO TO LINK BELOW
1 Healing oil and disaster prophecies
2 Award winning powerpoints
3 Selected youtube healing documentaries
http://www.sisterraquel.com/2010/02/announcement3-–-blogsite-library-links/
THE LORD REIGNS IN CYBERSPACE
amdg

%d bloggers like this: