An original screenplay By Bernie V. Lopez, eastwindreplyctr@gmail.com Non-dialogue retains the English version.
NARRATION. SI TERENCE AY ISANG SELF-MADE TYCOON, ISANG SUPER-MAHIRAP NA NAGING SUPER-MAYAMAN. SIYA AY KINKIKILALA SA MGA DYARYONG ‘THE OCTOPUS’ O ‘CORPORATE HITLER’. DIRECTOR NG ISANG MULTI-BILLION CONGLOMERATE NA MAY NEGOSYO SA TELECOMMUNICATIONS, COMPUTERS, SHAMPOO, ICE CREAM, AT MARAMI PANG IBA. NASA OFFICE NA SIYA NG SEVEN OCLOCK NG UMAGA. (Visuals – Tall building in Makati. Terence is gray-haired, in his sixties, quick tempered, bossy, vicious. He has an office as big as a volleyball court, a glass table as big as a billiard table, but nothing on it except a few papers he is working on and four cellphones. He is shouting at his staff who cringe and back away. Montage of telecom offices, computers, shampoo, ice cream.)
The sunset against the Makati skyline can be seen from the penthouse office of Terence.
Terence. (There is a knock at the door.) Yes. Come in Lisa. I know its you.
Lisa. (Nervously). Sir, nandito na po si Therese, yung bagong hire nyo.
Terence Hi Therese. Welcome. Sit down. Sige na, Lisa. Salamat.
Lisa leaves. Therese sits without a word.
Terence Mabangis ako, sabi ng karamihan. Deep inside, I am vicious. Natural sa akin yan. Wag ka sanang matakot.
Therese Hindi ako takot. That’s a beautiful sunset.
Terence Mukhang at home ka na agad. I like that. Walang at home dito sa opisina kapag nandito ako. At, ang tawag sa akin ng lahat ay ‘sir’.
Therese Ayaw mo bang maiba naman nang konti? I mean, wala na munang ‘sir, sir’.
Terence (A bit shocked). Whoow. That’s good for a starter. At bakit no more ‘sir, sir’?
Therese Wala lang. Maiba naman. Hindi ka ba napapagod na ang lahat ay nakaluhod sa iyo lagi? It’s about time you meet an equal, isang kapantay.
Terence Whoow. An equal. Wow. I could fire you right this minute for insolence.
Therese (Calmly and with a smile.) Sige, no problem. Kaya ko yan. Gusto mong umalis na ako? (She stands up.)
Terence Whoow. Teka, teka, maupo ka. (She sits down.) This is getting better and better. You are interesting. Ilan taon ka na?
Therese Nineteen. Believe me, it’s good to talk to an equal for a change.
Terence At ano ang posisyon mo rito sa opisina?
Therese Sabi nila assistant to the third assistant secretary raw ako. Sabi nila you hired me because kelangan nyo raw ng isang ‘sunset girl’ to help you relax at the end of the day. Madali yan. Kayang kaya kong magpa-relax ng iba. And I hate office work. Kaya ko kinuha itong trabahong ito.
Terence At magka-pantay tayo?
Therese Oo. Ang pagkakaiba natin ay – ikaw mayaman, ako hindi. Lamang ka roon. Pero matanda ka na at ako bata pa. Lamang ako roon. Mukhang patas lang tayo, wouldn’t you say? Mamatay rin tayo isang araw. Baka mauna pa nga ako sa iyo.
Terence At ano ang sekreto mo para magpa-relax ng iba?
Therese (Shrugging her shoulders) Hmm, ewan. My smile, the way I talk. I’m just me.
Terence (Leafing through her biodata). Hmmm. Summa cum laude, Boston U. Top of the class. Marine biology. Alam mo bang over qualified ka?
Therese Hindi naman. I minored in Banking and Finance. You could use me. Aside from sunset duty, magaling ako sa finance. Wanna try me?
Terence Isang katutak ang tauhan kong kaya ang finance kahit tulog.
Therese E di sa sunset na lang tayo..
Terence Kinuha kita dahil top of your class ka. Pangalawa, your personality test shows you’re an intellectual rebel. Magandang kombinasyon yan. Kelangan ko nang isang bright kid na makakausap ko at the end of the day.
Therese Tungkol naman saan?
Terence Anything. Corporate, business or even philosophy. Kelangan ko rin ng isang hindi yes-man, isang hindi korporasyon ang kultura, isang rebelde, isang tabula rasa. You know what tabula rasa means?
Therese Terence, may I call you Terence?
Terence You already did.
Therese Terence, wag mo naman akong insultuhin please. We just met. Sabi mo summa ako, right? Why ask a stupid question. Tabula rasa. Kelangan mo ng isang pure of heart, hindi pa nadungisan, walang bias, no scars, right? Isang makakausap on any topic under the sun, right?
Terence Bulls eye.
Therese Gusto mo ng isang intellectual rebel. Sawa ka na sa mga VPs mong takot sa iyo at lumuluhud sa iyo. Napaligiran ka kasi ng mga yes-people, bright man o bobo.
Terence May mga bright boys naman, pero tama ka. Ang una mong kelangan gawin ay magbigay ng first impression mo sa akin.
Therese Una, hindi ka naman talagang mabangis. Nagkukunwari ka lang most of the time. Palagay ko insecure ka lang deep inside, na hindi nakikita ng iba.
Terence Nakikita mo ba?
Therese Hindi ako sure. Nararamdaman kong may soft spot. Tinatago mo yon dahil takot kang ma-diskubre ng iba. Dahil mahuhubaran ka. You did not mind my insolence. Yun yong soft spot mo. Desperado kang makipag-usap sa isang ka pantay mo. Gaya ko marahil. Pero, pwede ring takot ka sa mga kapantay. Medyo complikado. Threatened ka sa akin dahil sinabi kong pantay lang tayo, and yet you welcome it. Desperado kang may makausap.
Terence Teka, teka, ginagawa mo akong defensive.
Therese E di wag kang maging defensive. Sa tingin ko may dahilan kung bakit naghahanap ka ng ‘sunset girl’. Alam mong kaiba ako sa mga sekretaryang nakapaligid sa iyo, dahil ako, I don’t care. Hind mo ako hawak sa leeg gaya ng iba. That’s a nice feeling for me, and for you also, di ba? Gusto mong labanan kita, I mean, for a change.
Terence Do you feel my despair?
Therese Obvious buhat ng pumasok ako rito. So let me be your sunset girl for a week. Kapag hindi mo magustuhan, fire me. If I don’t like it I resign.
Therese stands up, goes to the wall, pushes a button, and a mini-bar appears. She puts brandy on two goblets and gets two glasses of iced water, puts them on a tray, and places it on Terence’s table. She turns to him.
Therese May I join you.
Terence Stupid question. Dalawang baso dala mo.
Therese I know. Brandy. Iced water on the side.
Terence Sinabi siguro ni Lisa ano ang gusto ko, at kung kalian.
Therese Pagdating ng sunset, sabi niya. She is a good girl. Alam niya ang mga pangangailangan mo. Cheers.
Glasses clink. They both approach the window and look at lesser Makati skyscrapers silhouetted against the now-deep-red horizon. Terence hands a pair of binoculars to Therese. Therese sees a dove against the sunset.
Terence Kahit wala akong ibigay sa iyong finance and market data, sa tingin mo dapat kong bilhin ang Daily Globe? Tingnan ko nga kung ano ang sasabihin ng utak mong tabula rasa summa cum laude.
Therese Para que mo bibilhin. You have everything. Gusto mo lang ma-satisfy ang iyong greed. Oops, I don’t mean to be rude. Wag na greed, ego na lang. I mean your …. your …. (Pause). Sige na nga. Wag na tayong mag-plastikan. Prankahan na lang. It’s your ego and greed, Terence. I am sorry to say. I mean, anong gagawin mo sa isang newspaper company, para ilagay ang litrato mo sa front page? Para ilabas ang iyong image? Ang iyong power? Fame? Over-projected na ang iyong image. Nasa cover ka ng Time Magazine three months ago, at Fortune Magazine seven months. Ilang beses ka nang naging cover, what, six times in the last what, four years?
Terence Seven times. (Laughs uncontrollably) Now I feel good.
Therese You feel good na hinuhubaran ka ng isang teenager na hindi mo naman ka-ano-ano.
Terence Yes, feels good. Hindi ako nagkamaling kumuha ng isang sunset girl. So ano ngayong ang gagawin ko, miss sunset girl?
Therese Kelangan bang me gagawin ka? Hindi ba pwedeng ihinto mo na lang lahat ng obsession mo, addiction mo? Stop acquiring. Stop merging. Stop this obsession for your empire. You’re busy but you’re bored. Excited ka buong buhay mo, pero dumating na ang panahong hindi na exciting. Boring na. You are addicted to it, parang morphine para sa kanser patient. Kelangan mong mag-detoxify. You need to go cold turkey.
Terence If I drop everything, I will get bored.
Therese Hindi naman, kung meron kang imagination.
Terence Alam mo, ten minutes pa lang tayong nag-uusap, and for the first time, and you’re changing me, my life. Amazing.
Therese Yon ang ginagawa ng mga sunset girls. Ipakita ang sunset.
Terence Matagal na akong na-asiwa.
Therese Alam ko. Binasa ko ang maraming articles tungkol sa iyo buhat nang tinaggap ako ng office mo. I can see through you. Para ka lang nasa loob ng kulambo, Terence, pero nakahubad. Lahat nang glory na nasa harap mo is nothing to you. Walang kabuluhan sa iyo. O ano, di ba?
Terence Nakatatlong psychiatrist na ako nitong huling dalawang buwan.
Terence breaks down without shame, the Octopus, the Hitler sheds tears for the first time in a long long while. Therese gets the bottle of brandy and fills the two goblets to the brim.
Therese Yup, that’s the first step. Tears. Very medicinal. Sige, umiyak ka, lumuha ka. Ilabas mo lahat.
Terence This is not the way to drink brandy, Therese.
Therese Sorry. I’m getting carried away. Okay, okay.
Therese goes to the bar and pours tequila into two small glasses. They gulp it instantly.
Therese Hindi ka matutulungan ng psychiatrist, Terence. Hindi nila kayang makita ang kalooban mong tinatago mo. They do not understand what makes you tick. They just want your money.
Terence And do you know what makes me tick?
Therese Oo naman. Sunset girl ako, di ba? Nalaman ko agad pagpasok ko rito kung sino ka talaga. Daig ko ang isang katutak mong psychiatrist. Kaya nga hindi ako takot sa iyo. I’m sorry to say.
Terence So ano ang dapat kong gawin, Therese, sunset girl.
Therese Hindi mo magugustuhan ang sasabihin ko.
Terence Pwede ba?
Therese Okay. Dederechohin na kita.
Terence Wait. More tequila.
Therese Now you’re talking.
She takes the bottle of tequila and fills the glasses. They are emptied instantly. She pours again. But just as Terence is about to have a second gulp, Therese pulls the glass away.
Therese Wait, wait, wait. Makinig ka muna.
Terence Okay. What?
Therese Get rid of your empire. Pamigay mo. That’s the only way you get out of your rut.
Terence My empire a rut? You’re kidding.
Therese Yes, your empire a rut at nalulunod ka na.
There is silence. Terence yanks the glass from Therese and both down the tequila.
Therese I mean your sixty eight right? Nasa pre-departure area ka na. Tell me, hindi mo ba naisip na baka malapit ka nang mamatay? Ooops. Hindi ko dapat ata sinabi yon.
Terence Okay lang, Therese. Yan ang sinasabi ko sa aking mga psychiatrist. Sasabihin lang nilang hindi totoo yon. Mga hipocrito. They just want my money. Iniisip ko ang kamatayan nitong huling apat na taon.
Therese Alam mo ba ang ibig sabihin ng sunset?
Terence Death, kamatayan.
Therese Takot ang mga psychiatrist mone pag-usapan ang kamatayan. Baka masisante sila. Ako hindi takot.
Terence Ikaw lang ang unang nagbanggit ng kamatayan sa akin.
Therese Sunset girl kasi, di ba? Aanhin mo ang isang katutak na gintong hindi mo naman madadala pag yumao ka na? Benta mo na lang ang kalahati. Give it way kahit kanino. Do you believe in God?
Terence I do. I do.
Therese Kung nasa pre-departure area ka na, makinig ka sa sinabi ng isang Jesuit saint, si Francis Xavier. Sabi niya, “What does it profit a man if he gains the whole world, but suffers the loss of his immortal soul.”
Terence Ano?
Therese Aanhin mo kung matamo mo ang buong mundo, ngunit mawawala mo naman ang iyong kaluluwang walang kamatayan.
Terence Iniisip ko nga yon kung minsan, burn my empire. Pero hindi ko kaya. Hindi naman ako si Nero, no? At anong gagawin ko pagkatapos?
Therese Two key words, Terence – ‘profit’ and ‘immortal’. Ginamit ni St. Francis ang corporate word – ‘profit’. At kinompara niya ang iyong walang kakwenta-kwentang empire sa immortal soul mo, ang iyong kaluluwang walang hanggan, na hindi mamamatay. Imagine, forever. E yung empire mo, mamanahin lang ng mga anak mo, na mag-aaway muna kapag nahawa na sila sa iyong greed. Contagious ang greed, alam mo ba?
Terence Coming from my sunset girl, I have just made a decision. Thank you, Therese. Siguro magtatayo ako ng isang foundation para tumulong sa mga mahihirap, yung mga walang sariling bahay. Tutulng ako sa mga disaster victims. Hindi pa huling magbigay sa Yolanda victims sa Tacloban. Ano sa tingin mo?
Therese pours more tequila. They down it in two seconds.
Therese Kahit ano, as long as it’s not for you. Kelangan para sa iba. Yan ang sekreto. Kaya mo bang magdasal tayo ngayon?
Without a word, Terence falls to his knees, facing the sunset.
Therese Teka, teka, wag kang lumuhod. Relax ka lang sa upuan mo, tapos i-ikot mo paharap sa bintana. (Terence does so obediently. They see the sunset in the Makati skyline.) Okay, now, magdarasal ako para sa ating dalawa. Maupo ka lang at makinig. (Pause) Lord, turuan mo po kami ni Terence kung papanong magbigay sa iba. Especially Terence, Lord, dahil mas marami siyang kayang ibigay.
Terence Go on, go on.
Therese Tapos na. Alam na ng Lord kung ano ang hiling natin. Hindi na kailangang explain pa. I have to go. Gabi na at lasing na ako.
Terence Can I take you home?
Therese No, no. Dyan lang ako nakatira three blocks away.
Terence Pero lasing ka.
Therese pours more tequila.
Therese Gusto kong maglakad pauwi pagkatapos ng napagandang sharing natin. I like you. I enjoyed it terribly being your sunset girl. Sige na, at napapaluha ako. For the road?
They empty the glasses.
Terence O paano, bukas uli, sunset girl.
Therese Ewan. Hindi mo na ako kailangan. Nabigay ko na ang sunset mo, di ba?
Terence Kailangan tulungan mo ako ipamigay ang empire ko.
Therese Kaya mo yan. Tutulungan ka Niya (pointing a finger upward). Magaling Siya dyan. Wag mo lang kalimutan magdasal sa Kanya. Hindi ako magaling sa mga ganyan. Bye. (She heads for the door.)
Terence Teka, teka. E kung hindi ka na babalik, kunin mo ito.
Terence, drunk as he was, had a hard time writing the cheque. He had to tear the cheques the first two tries. Finally, he handed a crumpled cheque to Therese. Therese pocketed the cheque without looking.
Terence Hoy, basahin mo yung cheke.
Therese (Stops at the door and reads it). Nagbibiro ka. I can’t take this.
Terence You’re doing me a favor. Take the damn cheque.
Therese (Sobs and leaves). Hindi na ako babalik.
Terence Pumasyal ka minsan, kung gusto mo.
Therese Maybe.
NARRATION. NAKABILI SI THERESE NG ISANG MALIIT NA BEACH HOUSE SA BATANGAS, AT ISANG SECOND HAND NA CHEDENG. BUMILI RIN SIYA NG MALIIT NA BAHAY SA ILOCOS, NA KUNG SAAN SIYA LUMAKI, PARA SA KANYANG INA, NA INAALAGAAN NG KANYANG SISTER. AT SI TERENCE NAMAN, INGGIT NA INGGIT SA KANYA, KAYA BUMILI RIN NG BEACH HOUSE KABILA LANG NG KAY THERESE. (Visual – beach house, Therese driving old Mercedes Benz, another house in Ilocos, her sister giving a massage to her mother inside the house, Terence’s beach house near Therese’s.)
Therese Sinsundan mo ba ako?
Terence Nope. Sinusundan ko Siya. (pointing at the sky).
Therese Oh. How nice. So pareho tayong papunta sa Kanya.
NARRATION SIYEMPRE NAMAN, ANG BEACH HOUSE NILA NAKAHARAP SA SUNSET. LAGI SILANG NAMAMASYAL SA BAYBAY PAG SUNSET. UNTI-UNTI, ANG EMPIRE NI TERENCE AY LUMIIT, AT MARAMI SIYANG NATULUNGAN. UNTI-UNTI, ISANG KAIBA-IBANG EMPIRE ANG NAMULAKLAK SA KANYANG KALOOBAN, MAS MALAKI PA SA DATING NYANG EMPIRE. NAMATAY SI THERESE NUNG 22 YEARS OLD SIYA. SI TERENCE NAMAN AY NAIWAN DAHIL MARAMI PA SIYANG KAILANGAN IBIGAY, SABI NG LORD. NAMATAY SIYA NUNG 89 YEARS OLD SIYA. KUNG PAANONG HINILA NG ISANG SUPER-BRIGHT SUPER-REBEL NA TEENAGER ANG ISANG SUPER-YAMAN SUPER-TARAY NA GURANG PAPUNTA SA LORD, YAN ANG ATING STORYA. (Visuals – beach house sunset, silhouette of Therese and Terence walking on the beach. Graveyard for one dissolving into for two at the beach house. Sunset. Music. Credits)
eastwind