prayer 59 – christmas trilogy #3 – JOSEPHINE’S TEMPTATION – foodforthesoul – JOSEPHINE’S TEMPTATION a true story Pagsubok kay Josephine – Pamaskong drama #3 Sinulat ni bernie lopez, eastwind eastwind@motherignaciahealingministry.com ENGLISH SUMMARY AT THE END. – – ITO AY BASE SA ISANG TUNAY NA ISTORYA NG ISANG NAKILALA KO SA MOTHER IGNACIA HEALING CENTER (www.sisterraquel.com) NA ISINULAT SA ESTILONG DRAMA. (DIALOGUES ARE RECONSTRUCTED IN DRAMA FORMAT.) ANG MGA TUNAY NA PANGALAN NG MGA TAO, LUGAR AT PROYEKTO AY PINALITAN. – JOSEPHINE, 40 taong gulang, nanay, nagtratrabaho sa DPWH RICHARD, 50 taong gulang, boss ni Josphine sa DPWH KURUSAWA, 50 taong gulang, Hapon, opisyal ng malaking kumpanyang hapon JESSICA, 20 taong gulang, dalaga, anak ni Josephine LOURDES, 28 taong gulang, secretarya ni Kurusawa – – EKSENA 1 – GUSALI NG DPWH. MALAWAK NA OPISINA NG BIG BOSS NA SI RICHARD. TINAWAG NIYA SI JOSEPHINE SA TELEPONO. – RICHARD Josephine. Halika nga sandali. (Pumasok sa silid ni Richard. Sinara ang pinto.) Maupo ka sandali. Give me an update doon sa construction ng Samar extension highway, yung Project Guian. – JOSEPHINE 120 kilometer highway, Guian to Basey sa Samar, po. Four point five million dollars. JICA loan approved. Target completion December next year. Lahat ng bid documents are in. – RICHARD Okay. Sino sino ang bidders uli? – JOSEPHINE Dalawang hapon po at isang Amerikano. Yamagata Construction, Inc., Okada Limited, at Rainbow Corporation. Mukhang close fight, sir. Lowest bidder po ang Rainbow. Baka manalo. – RICHARD Okay. Convene mo na ang bidding committee ASAP at mag-evaluate na. – JOSEPHINE Yes sir, no problem sir. Sa Lunes na po. Alam na po ng bidding committee. Ako lang po ang babae sa bidding committee. – RICHARD E di mas okay. Mahirap yung panay barako. Kelangan may isang rose among the thorns. – JOSEPHINE Thorn among the roses, sir. – RICHARD Ikaw naman. Women power na tayo ngayon. Ayusin mong mabuti yan ha. – JOSEPHINE Maasahan niyo ako, sir. Walang problema. By the way, tumawag po si Kurusawa ng Yamagata Construction. May konting correction daw yung technical data nila. Nakipag appointment sa akin sa restawran diyan sa baba mamaya. Update ko na lang kayo. – RICHARD Okay. Do it. Thank you, Josephine. (Tumayo si Josephine at palabas na.) By the way, Josephine, mag-ingat ka diyan kay Kurusawa. Binata daw yan. Hindi ko alam kung totoo. Naghahanap ng Pinay. Tamang tama ka, balo, available, maganda … – JOSEPHINE Si sir naman. Ayoko ng sashimi. Gusto ko adobo, sir. – TUMAWA ANG DALAWA. LUMABAS SI JOSEPHINE. SINARA ANG PINTO. – – EKSENA 2 – LOOB NG ELEGANTENG RESTAWRAN. NAKAUPO SI JOSEPHINE MAG-ISA SA ISANG LA MESA, NAGHIHINTAY. PUMASOK SI KURUSAWA, MAY BITBIT NA ATTACHÉ CASE, NAKA-AMERIKANA. – JOSEPHINE Kurusawa-san. How are you? – LUMAPIT SI KURUSAWA, SABAY NA YUMUKONG BAHAGYA, KOSTUMBRE NG HAPON. TUMAYO SI JOSEPHINE AT YUMUKO RIN NANG BAHAGYA. NAUPO SILA. LUMAPIT ANG WAITER. – KURUSAWA What do you want for runch (lunch), Josephine? (Tumingin si Kurusawa sa menung inabot ng waiter.) How about porterhouse steak. This rooks good. – JOSEPHINE No, no, no. I am not so hungry. The salad will be fine. – KURUSAWA No, no, no. You Firipinos are very shy. I insist. – JOSEPHINE No, no, no. Too heavy for me. – KURUSAWA Okay, then …. (binasa ang menu). Aha, here we are. Steamed rapu-rapu. – JOSEPHINE Mr. Kurusawa, don’t worry about me. Salad is fine. – KURUSAWA I insist. Prease, do me a favor. Make my day. Just order something good, prease. – JOSEPHINE Okay, okay, steamed lapu-lapu is fine. – KURUSAWA (Sa waiter.) Steamed rapu-rapu, yung maraki ha. At darawang buko juice. (To Josephine) Tama ba? – JOSEPHINE Tama, sir. Alam mong gusto ko ng buko juice, ha. I see you are praktising your Pilipino. – KURUSAWA Magaring na ako ngayon. (Naging seryoso ang tono). Risten, Josephine. (Kurusawa opens the attaché case and brings out a big envelope.) Eto ang documents, changes in technicar data ng Yamagata Construction. (Tinanggap ni Josephine ang envelope at bubuksan sana.) No, no, do not open here. Mamaya na yan sa office mo. Tapos na ang business natin. Ngayon kwentuhan rang muna tayo at kain ng masarap. – JOSEPHINE Okay. You just arrived from Boracay, I heard. Tell me about it. – KUMAIN NANG MAAYOS ANG DALAWA. NANG TAPOS NA SILA, NAGBIGAY NG GENEROUS TIP SI KURUSAWA SA CHIT PLATE. JOSEPHINE Uy. Sobra naman ang tip niyo, sir. Tama na yung one hundred. – KURUSAWA Aram mo, sa Tokyo, ang tip ay 15 percent. So yung 20 percent okay na rin. Bayad naman ng kumpanya yan. O, ano, tatawag ako sa iyo bukas tungkol sa documents namin, kung okay na, okay? – JOSEPHINE Anytime, Kurusawa-san. Salamat sa napakasarap ng lunch. – KURUSAWA Wara yon. Your wercome. – TUMAYO ANG DALAWA. SABAY YUMUKO ULI NANG BAHAGYA SA ISA’T ISA, AT LUMABAS NG RESTAWRAN. – – EKSENA 3 – BALIK SA OPISINA NG DPWH. NAKAUPO SI JOSEPHINE SA KANYANG DESK, HINDI PINAPANSIN ANG GULO AT DAMI NG EMPLEYADONG NAKAPALIGID. BINUKSAN ANG ENVELOPE NI KURUSAWA. TININGNAN ISA-ISA. MAY NAHULOG NA KALAKIP NA ENVELOPE NA MAKAPAL ANG LAMAN. PINULOT. TININGNAN. MAY NAKASULAT NA ‘JOSEPHINE’. BINUKSAN NI JOSEPHINE ANG ENVELOPE. HALOS MAHULOG ANG MATA – ISANG KATUTAK NA ONE THOUSAND PESO BILLS. SHOCK NA SHOCK SI JOSEPHINE. BIGLANG SINARA ULI ANG MALIIT NA ENVELOPE AT INILIGAY SA DRAWER. NAG-ISIP NANG MATAGAL. – JOSEPHINE (Nagsalita sa kanyang sarili pabulong, hindi dinig ng iba.) Diyos ko po, ano po itong ginagawa Niyo sa akin? – OFFICE MATE O anong nangyari sayo? Para kang tinamaan ng kidlat diyan. – JOSEPHINE – A, wala, wala. Masakit lang ang ulo ko. Uuwi na kaya ako. Paki, sabi lang kay boss Richard, umuwi na ako at masama ang pakiramdam. – OFFICE MATE No problem, Josephine. Sige, lakad ka na. Ako na ang bahala. – NAG-AYOS NG DESK SI JOSEPHINE. INILAGAY ANG ENVELOPE NA MAY KWARTA SA KANYING HANDBAG. SINUSIAN ANG MGA DRAWER. LUMABAS NG KWARTO, BITBIT ANG HANDBAG. – – EKSENA 4 – SA LOOB NG APARTMENT NI JOSEPHINE. ANG APARTMENT AY MALIIT PERO MAAYOS AT MALINIS. NAKAUPO SI JOSEPHINE SA DINING TABLE. SA HARAP NIYA AY ANG KWARTA INILABAS NIYA SA ENVELOPE, NAKAKALAT SA LA MESA. MATAGAL NIYANG TINITIGAN. BIGLANG HUMAGULGOL NANG IYAK AT IPINATONG ANG ULO SA KWARTANG NAKAKALAT. TUMUNOG ANG DOOR BELL. DINAMPOT NANG MABILIS ANG KWARTA, INILAGAY SA ISANG PLASTIC BAG NA NAKASABIT SA ISANG TABI. BINUKSAN ANG PINTO. SI JESSICA, ANG KANYANG ANAK AY MAY DALANG MGA LIBRO, GALING ESKWELA. MAYROON DING ISANG SUPOT NG MANGGA. – JESSICA Hi, ma. May dala akong manggang hilaw para sayo. (Napansin ang luha ng ina.) Mommy, what’s wrong. (Binaba ang hawak. Sabay yakap sa ina.) Anong problema? Please tell me. – JOSEPHINE Wala naman. Naisip ko lang, yung matrikula mo for next year. Graduating ka na, di ba? Iniisip ko lang kung saan ko kukunin ang ganoong kalaking kwarta. – JESSICA Ma, pwede ba, wag mong alalahanin yon. Di ba ikaw na ang nagsabing Diyos ang bahala sa atin. Magdasal lang tayo. At saka, pwede namang di muna ako mag-aral ng isang taon hanggang maka-ipon tayo, di ba? – JOSEPHINE Jessica, graduating ka na. Hindi pwedeng i-postpone ang pag-aral mo. Mag-bo-board exam ka pa. Next year, nurse ka na. Nag-alok ang uncle mong bayaran ang pasahe mo papuntang California? – JESSICA Ma, walang kwenta ang California. Anong gagawin ko sa limpak limpak na dollars. Hindi ko kayo kayang iwan mag-isa. Dito na lang ako magtratrabaho. Di ba, yon ang usapan natin? Tayong dalawa laban sa buong mundo. Sinabi mo yon nung maliit pa ako, nung namatay si daddy. Di ba, sabi mo, lahat ng problema kaya natin basta magkasama tayo? Di ba, ma? – JOSEPHINE (Niyakap ang anak nang naluluha) Naisip ko lang. May sarili kang buhay. Magtratrabaho. Mag-aasawa. Magkakaroon ng mga tsikiting, na iyong inaasam-asam. Hindi ka pwedeng matali sa akin. Kaya kong mag-isa. – JESSICA (Lumuluha na rin.) Kaya kong gawin lahat yon pero hindi ko kayang iwan ka. Okay, compromise. Gagawin ko lahat yon, pero magkasama pa rin tayo. Kondisyon yon sa magiging asawa ko. Kung ayaw niya sa iyo, mag-solo siya, period. Deal? (Niyakap ang ina.) – JOSEPHINE Para ka namang si Cris Aquino. E kung sabihin kong no deal? – JESSICA No choice ka, ma. Deal lamang. I love you. (Sabay yakap sa ina. Binaba ang supot ng mangga sa dining table.) Magdasal nga tayo. – NAGHAWAK NG KAMAY ANG MAG-INA. PUMIKIT. – JESSICA Panginoon. Tulungan mo po kami. Paki-bless lang ang wallet ni mommy at wala ng laman. Please Lord. Amen. – JOSEPHINE Amen. – JESSICA (Nang matapos ang dasal.) Eto yung manggang hilaw na gusto mo. Pero after dinner yan para di ka ma-ulcer. Lalabas lang ako sandali, bibili ng dinner natin. Wag ka nang magluto at alam kong pagod ka. Okay? – JOSEPHINE Eto ang pera. (Binuksan ang handbag.) – JESSICA Okay lang ma, may natira ako sa baon. Kasi panay ang blow out ni Joey. – JOSEPHINE Sagutin mo na. Kawawa naman yung tao. Ang tagal nang lumiligaw, tapos wala pa rin. – JESSICA Magdusa siya. Pag hindi nagdusa ang lumiligaw, hindi tunay ang pagmamahal. Easy come easy go yan, ma. Maghintay pa siya nang mga isang buwan, tapos okay na. Nasaan na ba yung payong ko. – NAGHANAP NG PAYONG. LUMAPIT SA PLASTIC BAG NA PUNO NG KWARTA. NATARANTA BIGLA SI JOSEPHINE. HINARANG NIYA SI JESSICA UPANG HINDI MAKALAPIT SA PLASTIC BAG. – JOSEPHINE Gamitin mo na lang muna ang payong ko. Naroon sa tabi ng kitchen sink. – KINUHA NI JESSICA ANG PAYONG AT LUMABAS NG APARTMENT. PAGKASARA NG PINTO, KINUHA NI JOSEPHINE ANG PLASTIC BAG AT MULING NILAGAY SA LA MESA. – JOSEPHINE (Nagsalita sa kanyang sarili) Diyos ko po. Anong nagawa ko at sinusubukan Niyo ako nang matindi ngayon. Lord, please help me. I need your strength more than ever. Alam Niyong kailangang kailangan ko ito. – Humagulgol si Josephine. Naupo sa dining table at paulit-ulit na pinukpok ang ulo sa la mesa. Pinagtatapon ang kwarta sa sahig at tapos pinulot din. – – EKSENA 5 – ALAS OTSO NANG UMAGA. OPISINA NI KURASAWA. ELEGANTE. ANG SEKRETARIA NIYANG SI LOURDES AY NASA KANYANG DESK, NAG-CO-COMPUTER. PASOK SI JOSEPHINE. – JOSEPHINE Good morning, Lourdes. Siguro naman wala pa ang boss mo. – LOURDES Wala pa po. Ten o’clock usually ang dating niya. Alam mo yon, di ba? – JOSEPHINE Kaya nga ako dumating nang maaga. Para hindi ko na siya maabutan. Mayroon lang akong package para sa kanya. Paki-bigay please. – INIABOT ANG ENVELOPE NG KWARTA, NAKA-SEAL ULI ITO NG SCOTCH TAPE. NAKABURA ANG PANGALANG ‘JOSEPHINE’ AT NAKASULAT SA IBABA NOON ‘KURUSAWA’. – LOURDES Okay lang, Josephine. (tinanggap ang envelope). Kape muna? – JOSEPHINE Salamat na lang, Lourdes. Nagmamadali ako. Paki remind kay Kurasawa-san, sa Enero 15 na ang bidding award. I will see both of you there, okay? – HINDI ALAM NI LOURDES NA KAYA NAGMAMADALI SI JOSEPHINE AY BAKA MAGSISI PA SIYANG ISOLI ANG KUWARTA. – LOURDES Makakarating. See you there. – – EKSENA 6 – BALIK SA GUSALI NG DPWH. SA SECOND FLOOR AY ANG MALAWAK NA CONFERENCE ROOM, PUNO NANG TAO, MGA HAPON, AMERIKANO, NAKABARONG, NAKA-AMERIKANA, MGA RECEPTIONIST. HINDI PA NAG-UUMPISA ANG BIDDING. NASA REGISTRATION DESK SI JOSEPHINE, NAGBIBIGAY NG INSTRUCTIONS SA MGA REGISTRARS. BIGLANG DUMATING SI KURASAWA AT LOURDES. SINENYASAN NI KURASAWA NA LUMAYO SI LOURDES. LUMAPIT SI KURASAWA KAY JOSEPHINE. LUMAYO SI JOSEPHINE. HABOL SI KURASAWA. – KURASAWA Good morning, Josephine. – JOSEPHINE Good morning, Kurasawa-san (normal ang reaction, parang walang nangyari). – YUMUKO SI JOSEPHINE NANG BAHAGYA GAYA NANG DATI. SI KURASAWA NAMAN YUMUKO RIN PERO MALALIM HANGGANG BAYWANG AT MATAGAL. – KURASAWA (Pabulong.) Thank you for showing me your real serf. You are a very brave person. – JOSEPHINE Wag dito, pwede ba? – KURASAWA I did not know there were stir such peopor who can refuse such big money. I admire you. I respect you with arr my heart. Thank you for teaching me a resson. I am so sorry for my actions. – YUMUKONG MULI NANG MALALIM AT MATAGAL SI KURASAWA. – JOSEPHINE That’s enough. Don’t embarrass me. Okay lang, Kurasawa-san. I accept your apology. – LUMAYO SI KURASAWA PAATRAS HABANG NAKAYUKO PA RIN. TUMALIKOD SI JOSEPHINE. – – EKSENA 7 – SA APARTMENT IN JOSEPHINE. GABI. NAG-UUSAP SILA NI JESSICA HABANG NAKAUPO SA DINING TABLE. – JOSEPHINE Dapat malaman mo na. Masaya ako dahil hindi ko binigo ang Panginoon. – JESSICA Hindi ko maintindihan. – JOSEPHINE Anak, yung mga Hapon sa bidding sa trabaho ko, binigyan ako ng envelope na may lamang kalahating milyung piso. Hindi ko tinanggap pero muntik na muntik na kasi gusto kong maging nurse ka na at magkaroon ng sarili mong buhay. Pero hindi kaya ng konsyensya ko. Kung matapos ka ng karera sa masamang pera, baka ikaw pa ang ma-karma. – JESSICA Hay, naku, ang nanay kong martir. Di ba sinabi kong pwede naman next year na ako mag-aral. Ano ba naman yung isang taon. Tama yung ginawa mo mommy. Mahirap ngang gawin pero tama. Bilib ako sayo. Bihira ang nanay na ganyan. – JOSEPHINE Alam mo, anak. Nang sinoli ko na yung envelope, may naramdaman akong napakagandang hindi ko mapaliwanag. Para bang magaan ang loob ko. Parang lumulutang ako sa ulap. Para bang wag mag-alala at darating ang kwarta. Para bang Kapayapaan with a capital K. Peace of mind, alam mo. Para bang kalma pagtapos ng bagyo, o tinik na isang taong nasa lalamunan biglang naalis. Never kong naramdaman ang ganoong klaseng biyaya ng kaluluwa. – JESSICA Hindi nabibili ang peace of mind, mommy. Regalo yan ng Lord. Yun ang gantimpala mo dahil hindi mo siya binigo. Inner peace. Mahirap matamo yon ngayon sa ating magulong buhay. – NAG-RING ANG TELEPONO. TUMAYO SI JOSEPHINE AT SINAGOT. – JOSEPHINE Hello. Yes. (Matagal na tahimik.) Yes. Yes. Salamat. – PAGBABA NIYA NG TELEPONO, BIGLANG LUMUHA SI JOSEPHINE. LUMAPIT SI JESSICA AT NIYAKAP ANG INA. – JESSICA Bad news ba mommy? – JOSEPHINE Hindi. Good news. Kaya ako napapaluha. Yung scholarship mo approve. Kasama ang libro, allowance, matrikula, dorm. Halagang two hundred thousand. Salamat Panginoon. – JESSICA Kita mo na. Sinubukan ka nang matindi. Hindi mo Siya binigo. Nagdasal tayo. Humiling. Binigay Niya. Sinuklian tayo ng doble. Dinaan ka Niya sa kadiliman, tapos bingyan ka nang matinding Ilaw. – JOSEPHINE Sabi nga sa Bibliya. Kahit mawala ka, kahit maligaw ka, hahabulin ka ng Panginoon. Lahat ng daan patungo sa Panginoon. Lord, salamat sa kabutihan mo. – NAGYAKAP ANG MAG-INA. – WAKAS – – ENGLISH SUMMARY – josephine works at the department of public works and highways as a member of the council that evaluates public bids for big energy projects that run into millions of dollars – a japanese executive from a big multinational came up to her and gave her a thick envelope and told her to open it later when she was alone – when she got home she opened the envelope and immediately tears flowed for she found half a million pesos money she needed so desperately for her daughter’s college tuition she asked for strength from the Lord the whole night she was in agony not knowing what to do until she fell asleep, her tears un-dried in her cheeks – in the morning her daughter woke her up and asked what was the matter josephine looked hard at her the youth and beauty of her only child and embraced her tighter than ever before – she was in a hurry to return the envelope to the secretary of the japanese and left immediately because she knew she could easily change her mind going back to work she felt a sense of peace she had never felt before a sense of well being very rare in her life of tension and endless tasks – it was a gift from the Lord – after a week, the japanese suddenly appeared in her office he smiled and gave a very low curtsy all the way to the waist in japanese culture the lower the bow the greater the respect it was a bow for an empress, a bow of deep respect except for josephine asking the japanese not to embarrass her with her low curtsies no word was spoken and the two smiled at each other the japanese left and it is almost the end of the story – two months later out of the blue the ‘money’ josephine wanted so desperately fell on her lap almost like an accident a full scholarship for her daughter she knew it was not an accident it was not half a million, much smaller but it was enough and her daughter went to college – it was a gift from the Lord she asked only for strength and the Lord gave her a small fortune in her moment of despair a tiny streak of light in the total darkness He also gave her peace and well being nothing the half a million could buy in our darkest moments He is there if only we grope for Him in our despair and want He is there if only we want Him to be – even if we are weak the strength comes from Him if only we had faith it is not easy to get lost because – ALL ROADS LEAD TO HIM WHO IS EVERYWHERE FOR EVERYONE EVERYTIME WE ASK – eastwind – – HEALING OIL HISTORY http://www.sisterraquel.com/2010/07/announcement7-disaster-messages-and-healing-oil-history/ – INQUIRIES – eastwind@motherignaciahealingministry.com –
FOR MORE INSPIRATIONAL MATERIALS, SCAN THE MINISTRY ARCHIVES QUICKLY BY CLICKING THE LINK BELOW – |
GET INSPIRATIONAL MATERIALS REGULARLY AS THEY ARE POSTED BY SUBSCRIBING TO www.sisterraquel.com |