Don’t ever forget to eat burnt toast when it passes your way, because you will discover, it is something spiritually delicious and filling. Burnt toast is foodforthesoul.
Read the English version – https://eastwindjournals.com/2023/06/15/burnt-toast-26/
Tandaan niyo na ang sunog na pandesal ay masarap na pagkain para sa kaluluwa, isang ‘foodforthesoul’.
Author’s note. May lumabas na articulo sa Internet nung mga ilang taong nakaraan na nag-viral. Napaluha ako. Maraming nasiyahan. Walang pangalan ng sumulat. Hinabaan ko ito at dinagdagan. Nang nilagay ko ito sa aking blog site, nag-viral muli. Kung saan ka man na nagsulat nito, salamat at dinapuan mo ang aming mga puso.
Sa pag-uudyok ng kaibigan at idolo kong si Leo Martinez, gumawa ako nitong Pilipino version na gusto ko sanang isagawang maiksing pelikula (short film) o maiksing stage play ng sino mang interesado. Gandahan niyo lang po at gawing viral uli at pasiglain ang mga puso ng maraming nangangailangan. Salamat, Leo.
eastwind journals
‘True Tales’ Series – Volume 26B / Pilipino Version
July 13, 2023 – Archives tr381B
By Bernie V. Lopez, eastwindreplyctr@gmail.com
Share this article – https://eastwindjournals.com/2023/07/13/sunog-na-pandesal-burnt-toast-26b/
NARRATION NI JUNIOR. (Pakita ang kusina at komedor. Nagluluto si inay. Nakaupo si Junior, naghihintay ng almusal.) Noong ako ay pitong taong gulang, si inay ay laging nagluluto ng spesyal na almusal paminsan-minsan. Natatandaan ko isang umaga, eto na ang nangyari.
JUNIOR – Nay, naamoy ko yung pritong bangos. Mukhang spesyal na almusal na naman tayo.
INAY – Boneless tinapa yan. E pano naman, ang itay mo parang dinaanan ng bagyo kagabi, dahil marami raw problema sa opisina.
Nilapag ni Inay ang pritong itlog at bangus sa lamesa.
JUNIOR – Nay, meron atang nasusunog.
INAY – Ay naku, nalimutan kong patayin yung toaster.
Tinanggal ni Inay ang mga sunog na pandesal na kulay itim, at nilagay sa plato at dinala sa lamesa. Kumuha ng bagong pandesal para ilagay sa toaster.
ITAY – Good morning. Pasyensya na kayo at late na akong gumising. Pagod na pagod ako kagabi. At gutom na gutom ako ngayon.
JUNIOR – Good morning po.
Naupo na si Itay, at kinuha ang isang itim na pandesal, nilagyan ng mantekilya ang jam, at nginuyang parang chicharon sa tigas. Paglingon ni Inay, hindi na siya nakapagpaliwanag dahil kinakain na ni Itay ang mapait at matigas na pandesal.
NARRATION NI JUNIOR. Ninerbyos ako. Hinihintay ko na lang sumigaw si Itay, pikit mata. At hinihintay ko na ring lumuha si Inay.
ITAY – (Nakangiti.) O, Junior, kumusta ang eskwela? Nagawa mo ba yung assignment mong magsulat ng essay tungkol sa pamilya natin?
Walang sagot si Junior dahil sa nerbyos.
INAY – Kinakausap ka ni Itay, Junior.
JUNIOR – Ah, hindi pa po, Tay. Hindi ko alam kung ano ang isusulat ko.
ITAY – Madali lang yan. Ikwento mo kaming mga magulang mo, kung gano kabait at hindi nag-aaway.
JUNIOR – Tay, hindi naman totoo yon. Lagi na lang kayong away ng away. Ayokong magsinungaling.
INAY – E, di ikwento mo na lang kung ano ang trabaho ni Itay, na siya ay isang magaling na arkitekto sa isang malaking kumpanya. Totoo yon, di ba?
Inumpisahan na ni Itay ang pangalawang sunog na pandesal, nang parang sarap na sarap siya. Tumalikod si Inay, takot magsalita.
ITAY – May naamoy akong nasusunog.
INAY – Ay, naku, nakalimutan ko uli. Gumawa ako ng bagong toasted pandesal pero sa nerbyos ko, nakalimutan ko muli. Pasyensya, dad.
NARRATION NI JUNIOR. Kung minsan, ‘dad’ ang tawag ni Inay kay Itay kapag naglalambing.
INAY – (Umiiyak.) Dad, pasyensya ka na sa sunog na pandesal.
ITAY – Honey, I love the toast. (Nahinto ang lumuha ni Inay at niyakap si Itay.)
NARRATION NI JUNIOR. Kung minsan, ‘honey’ ang tawag ni Itay kay Inay kapag naglalambing.
Pagkatapos ng almusal, umalis na si Inay upang magwalis sa hardin.
JUNIOR – Tay, totoo bang nagustuhan mo yung sunog na pandesal?
ITAY – (Niyakap si Junior.) Anak, ang daming inasikaso ni Inay kahapon. Namalengke siya, nagpunta sa bangko para magbayad. Naglinis sa hardin. Pareho kaming hirap at pagod kahapon. Ano ba naman yung kaunting sunog na pandesal. Bakit pahihirapan mo pa lalo ang mahirap na buhay. Anak, eto ang tandaan mo. Iwasan ang giyera, lalo na sa almusal.
JUNIOR – Opo, Tay. Sisirain ng giyera patani ang ating pamilya. (Tawa ang dalawa.)
JUNIOR – At nakakahawa rin ang pagsusungit.
ITAY – Pagnatutuhan mo yan, sisigla ang ating buhay natin bilang isang pamilya.
Almusal na naman. Hinahanda ni Inay ang itlog at corned beef.
ITAY – Wow. Paborito ko. Kumusta na yung assignment mo, Anak.
JUNIOR – Wala lang. Nakuha ko uno.
INAY – Give me five. Anong sinulat mo?
JUNIOR – Kinwento ko yung sunog na pandesal. At ang mga aralin na matutuhan natin, gaya ng – nobody is perfect and accepting each other so everybody happy.
ITAY – May naamoy akong nasusunog.
INAY – Ay, nakalimutan ko uli. Kasi ang dami nyong daldal.
Nilabas ni Inay ang sunog na pandesal at pinag-piestahan ng tatlo.
JUNIOR – Mas masarap pala ang corned beef kung kasama sunog na pandesal.
ITAY – Request lang Inay. Buhat ngayon, lagi na lang sana sunog ang pandesal. (Tawanan ang tatlo.)
JUNIOR – Kasi, ang sunog na pandesal ay pagkain ng kaluluwa o tintatawag na foodforthesoul.NARRATION NI JUNIOR. (Ipakita ang tatlong nag-aalmusal ng sunog na pandesal at nagtatawanan.) Eto ang panalangin na tinuro sa amin ni Itay.
Panginoon, turuan niyo po kaming
i-alay sa inyo ang sunog na pandesal
ng aming buhay,
na pagkain ng aming diwa
bigyan nyo po ng biyaya at galak
ang aming pamilya sa araw-araw
Share this article – https://eastwindjournals.com/2023/07/13/sunog-na-pandesal-burnt-toast-26b/
More Inspirational Articles – eastwindjournals.com.
FOR THOSE WHO NEED HEALING, spiritual or physical (depression, anxiety, loneliness, terminal cancer, covid, diabetes, etc.) – say an online healing prayer with one or both healers below. Terminal patients have been healed in cyberspace. All you need is to have faith and to ask the Lord –
1) Father Fernando Suarez – www.youtube.com/watch?v=8UP3LHBgtIc.
2) Sr. Raquel Reodica, RVM – www.youtube.com/watch?v=wAZcwNimBSg
Download free e-book ‘Healing Stories of Sr. Raquel’ at eastwindjournals.com/2021/08/13/healing-stories-of-sr-raquel-e-book-free-download/).
Author’s book. At age 26, the author (eastwind) drifted through Europe, hitchhiking 25,000 kilometers for three straight years. He wrote a book on his adventures, Wings and Wanderlust. He learned deep insights that radically changed his view of life, which he wants to share with readers looking for themselves or wanting to catch the wind. More about the book (get a copy) = https://eastwindjournals.com/2023/02/25/more-about-the-book-wings-and-wanderlust/
Author’s Credentials. Blogger – ex-Columnist (Inquirer) – Healing Ministry – ex-Professor (Ateneo University) – Documentary Producer-Director (freelance, ex-ABS-CBN, ex-TVS Tokyo) – ex-Broadcaster (Radio Veritas) – Facebook “Bernie V. Lopez Eastwind” / Pages “Eastwind Journeys and Journals” and “Mary Queen of Peace”.
amdg